MOST SIGNIFICANT CHANGE STORIES
Maryshore Retreat House Talisay City, Negros Occidental
September 11-15, 2011
The following stories were collected by the MM Partners Learning Network participants and are the results of the conference done in Negros last September 11-15. 2011. The first tale is about the peoples’ organization named KUBO and the last two are about two families, who are members of KUBO.
DOMAIN: PO
KUBO
Ang KUBO ay isang pangalanng faith based people’s organisasyon na matatagpuan sa parokyang Banal napamilyang Baranggay handuman. Ang Kahuluganng Salitang KUBO ay isang acronym na ibig sabihin ay Kawayanan, Uswag Para sa Pagbago. Ayon sa mga miembro na aming nakapanayam ang Kubo ay isang pinag buklod ng mga pamilya na may 41 organisadong miyembro na binubuo ng ibatibang pananampalataya . Ang lugar na kung saan matatagpuan ang KUBO ay isa sa mga relocation site na ipinagkaloob ng gobierno ng lungsod ng Bacolod sa mga walang permanenteng tirahan. Karamihan sa kanila ay galing sa ibat’ ibang lugar ng Bacolod City.
Karamihan ng mga kalalakihan ay nagtratrabaho s atubuhan. Meron din nagtitinda ng daing na isda sa iba’t ibang lugar. Angi lan ay karpentero, fish vendors, construction workers at iyong iba naman ay gumagawa ng sari-saring trabaho para madagdagan ang pinagkakakitaan.
Nagsimula ang KUBO noong 2007, pero nagging isang ganap at opisyal na samahan na nakarehistro sa DOLE noong 2010. Naitatag ito dahil sa malaking problema ng mga kabataan na nalulong sa bawal na gamot. Sa tulong ng CADJEN ay naorganisa sila upang matugunan ang lumalalang problema .
Pangarap ng KUBO na maabot, mabigyan at mabuo ang mga households ng kanilang lugar tungo sa pagkilos para sa paglilingkod sa Pamayanan. Nilalayon rin nila na mapalaganap ang organikong pagsasaka sa kanilang bakuran na may 5 herbal at 5 vegetable garden.
Meron din silang supervised neighbourhood place or SNP kung saan tinuturuan ang mga bata para matuto at madagdagan ang kaalaman ng mga batang may edad 4 hanggang 12. Ayon sa mga nanay ,lider at miyembro ay malaking tulong ang naiimbag ng paaralan para matuto ang kanilang mga anak. Ito ay libreng pagaaral na pinagkakaloob ng KUBO sa mga magulang na walang kakayahang magpaaral s kanilang mga anak.
Ang guro ay isang miyembro ng KUBO at boluntaryong nagtatalaga ng kanyang sarili para turuan ang mga bata. Ang sentrong paaralan ng mga bata ay galing sa samasama nillang pagtutulungan upang magkaroon ng libreng feeding tuwing nagaaral ang mga bata.
Hindi lamang sa pagpapaaral ng mga bata ang naitulong ng KUBO sa kumunidad ,nagkaroon rin sila image visitation sa bawat pamilya na kung saan idinadaaos ang bible sharing. Dagdag pa ng mga miembro, gumagawa din sila ng herbal medicine, sabon, at mga novelty items at yong ibang miembro ay nagging practitioners ng reflexelogy. Tuwing ikatlong sabado ng buwan idinadaos ang misa sa kanilang lugar.
Matitingkad na karanasan ng pagbabago , ay ang pakikisangkot ng pamilya sa komunidad at relasyon ng mga pamilya sa kanilang tahanan. Nababawasan ang droga at gulo at lumalalim ang ugnayan ng bawat isa sa komunidad. Mayroon rin silang Network sa mga ahensiya ng gobierno at pribadong sector at indibidual at ngos para matugunan ang problema sa kahirapan.
Sa darating pang panahon ay ninaisnilang mas lalo pang maging matatag at maunlad na organisasyon para matugunan ang pangangailangan ng kanilang komunidad at hindi na aasa sa tulong ng iba.
DOMAIN: FAMILY
Family of SERAFIN AND GINA BANTAD
2007 NAGTATRABAHO SI GINA BILANG ISANG SALESLADY SA GROCERIES AT SI SERAFIN AY NAGTATRABAHO BILANG ISANG SECURITY GUARD. PAG-UMUWI SI GINA SAKANILANG BAHAY NILALAKAD NIYA LANG PAUWI At NADAANAN SI SERAFIN. Habang naglalakad sinisipulan siya nang lalaki. Nilapitan siya ng lalaki at humingi ng address kung saan siya nakatira.
Kinabukasan, pumunta si Serafin sa bahay ni Gina at kasama ang kanyang kapatid at hiningi na ang kamay ni Gina. Pumayag na kaagad si Gina at nakasal sa pari sa ikalimang araw. Nakasal si Gina sa edad ng 24 years old at si Serafin 30. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak na lalaki, ang panganay apat na taon at ang bunso, dalawang taon.
Bago siya sumapi sa KUBO siya ay madaling magalit at sinasaktan niya ang asawa at mga anak. Subalit ang kanyang asawa manatiling mahinahon at mabait. Nang siya ay inaanyayahan ng KUBO na dumalo sa seminar tungkol sa pamilya at mula noon nagbago na siya. Hindi na siya magalitin at may pasenya na sa anak at sa asawa at mula don nagging maayos ang samahan.
Sa ngayon ang kanyang asawa tinanggal sa trabaho na walang basehan at hindi binayaran ang matagal niyang serbisyo. Hanggang ngayon walang permanenting hanapbuhay. Para makatulong si Gina naglalabada siya.
Hangad nila na umunlad ang kanilang kabuhayan at patuloy na maging aktibo na miembro sa KUBO.
DOMAIN: FAMILY
NAGLILINGKOD NG BUONG GALAK
ISANG KUWENTO NG PAGBABAGO
ANG PAMILYANG GALAK AY NAKATIRA SA PUROK KAWAYANAN, BARANGAY HANDUMANAN, ISANG RELOCATION AREA SA LUNGSOD NG BACOLOD. SI JUN JUN, EDAD 33 AT NAGLALAKO NG ISDA SA MGA BAHAY BAHAY AY DATING KONSTRAKSIYON WORKER AT KARGADOR SA PIER. SI RONA, EDAD 32 AT VOLUNTEER TEACHER SA SNP AY DATING COMPUTE ENCODER SA PEPSI COLA. APAT ANG KANILANG ANAK, SINA JHONNA MAE EDAD 13, ISANG AKTIBONG MIYEMBRO NG SAMAHAN NG MGA KABATAAN, HONEY ROSE EDAD 7, FRANCINE EDAD 3, AT JESSICA MAE, SAMPUNG BUWANG GULANG.
ANG MAG-ASAWA AY MIYEMRO NG SAMAHANG KUBO. ANG KUBO AY ISANG FAITH BASED ORGANISASYON NG MGA PAMILYA SA PUROK NA TINULUNGANG ITATAG NG CAJDEN . SI RONA ANG KALIHIM NG ORGANISASYON SAMANTALANG SI JUN JUN NA ISANG TRAINED NA REFLEXOLOGIST AY MIYEMBRO NG KOMITENG PANGKALUSUGAN.
NAGSIMULA ANG KANILANG UGNAYAN SA KUBO NANG MAIPASOK NILA ANG KANILANG ANAK BILANG MAG-AARAL SA SYNCHRONIZED NEIGHBORHOOD PLAY. NANG MAWALAN NG GURO ANG ESKWELAHAN, NAISIPAN NI RONA NA SUBUKANG MAGBOLUNTARYO SA POSISYONG GURO DAHIL ISA NAMAN SIYANG DATING MAG-AARAL SA KURSONG EDUKASYON NOONG SIYA AY NASA KOLEHIYO, BAGAMAT HINDI SIYA NAKAPAGTAPOS.
SIMULA NANG SIYA AY MAGING BOLUNTARYONG GURO SA SNP, DOON NIYA NAISIPAN NA SUMAPI SA KUBO, DAHIL NA RIN NANINIWALA SIYA SA PANGARAP AT ADHIKAIN NG SAMAHAN, HANGGANG SA MAKUMBINSI NA RIN NYA ANG KANYANG KABIYAK NA SUMAPI NA RIN AT MAGSANAY UPANG MAGING REFLEXOLOGIST AT MAGLINGKOD SA PAROKYA AT MAGKAWANG GAWA.
MULA NOON, NAGKAROON NG MALAKING PAGBABAGO SA KANILANG BUHAY. BAGAMAT DATI NANG MAAYOS ANG KANILANG PAGSASAMA BILANG MAG-ASAWA, ANG KANILANG MALASAKIT AY NASA LOOB LAMANG NG KANILANG PAMILYA.
SA PATULOY NILANG PAGIGING AKTIBONG KASAPI NG KUBO, LUMAWAK ANG KANILANG PANG –UNAWA SA PANGANGAILANGAN NG KOMUNIDAD AT ANG KANILANG PAGTATALAGA SA SARILI NA MAGLINGKOD SA IBA. AYON DIN SAKANILA, NAGKAROON DIN NG PAGBABAGO SA KANILANG PERSONALIDAD. KAY JUN JUN AY NAWALA ANG SOBRANG PAGKA MAHIYAIN, AT SI RONA NAMAN AY MAS LALONG TUMIBAY ANG PAGTITIWALA SA SARILING KAKAYANAN.
AYON DIN SA KANILA, PAREHONG UMUNLAD ANG KANILANG DAMDAMIN AT KAISIPAN NA SIYA NAMAN NILANG IPINAUUNAWA SA KANILANG MGA ANAK NA NAGDULOT NG MAS MALALIM NA RELASYON.
ANG KUWENTONG ITO AY MAKABAGBAG DAMDAMING PAGBABAGO, LALO NA DAHIL SI JUN JUN PALA AY GALING SA ISANG BROKEN FAMILY, NA NAGLAYAS AT LUMAKING MAG ISA SA PIER AT LULONG SA BAWAL NA GAMOT AT ALAK AT ANG LAHAT NG ITO AY AYON NA RIN SA KANILA.
|